Step-By-Step Beauty Tips Para Mas Makinis Na Kutis

Sa UMAGA

Step 1: Maghilamos gamit lang ang tubig para matanggal ang mga impurities na naipon sa iyong pagtulog.

Step 2: Gumamit ng toner para balansehin ang pH level ng iyong balat para sa mas madali ang pag-absorb ng mga creams at iba pang essences na ilalagay mo rito.

Step 3: Maglagay ng essence, serum o kaya naman ay ampoule na tumutulong para mas magmukhang bata ang iyong kutis at balat. Nakatutulong din ang mga ito para sa hydration.

Step 4: Maglagay ng eye cream para maiwasan ang maagang pagkakaroon ng wrinkles lalo na’t sa mata matatagpuan ang pinakamanipis nating balat.

Step 5: Huwag kalimutang​ maglagay ng moisturizer para siguruhing hydrated ang iyong mukha sa buong araw. Mas maganda rin kung pipili ka ng moisturizer na may SPF para sa dagdag na proteksyon laban sa init at matinding sikat ng araw.

Step 6: Maglagay ng sunscreen para maprotektahan ang iyong mukha at balat sa matinding sikat ng araw o harmful UV rays na nagdudulot ng sunburn, dark spots, wrinkles at iba pang problema sa balat.

Sa GABI


Step 1: Gumamit ng oil-based cleanser lalo na kung ikaw ay nagme-makeup para mas mabilis matanggal ang makeup na hindi kayang tanggalin ng simpleng paghihilamos lang ng tubig.


Step 2: Gumamit ng water-based cleanser para matanggal ang mga oil-residue at iba pang water-based impurities na naipon sa iyong mukha.


Step 3: Mag-exfoliate ng dalawang beses sa isang linggo para matanggal ang mga dead ski​n cells na nagiging dahilan para magmukhang haggard ang iyong mukha.


Step 4: Gumamit ng toner


Step 5: Muling maglagay ng essence, ampoule, o serum depende kung saan hiyang ang iyong balat.


Step 6: Gumamit ng sheet mask para mas mabilis mahydrate ang iyong balat. Meron din itong anti-aging properties na nakatutulong para mas magmukhang bata ang iyong itsura.


Step 7: Mag-apply ng eye cream at moisturizer bago matulog.


Bukod sa mga tips na ito, ugaliin ding uminom ng tubig o kumain ng mga masasabaw na prutas at gulay para sa natural na hydration ng balat. Ugaliin ding mag-exfoliate at ingatan ang balat sa matinding sikat ng araw na nagdudulot ng skin aging. Siyempre pa, huwag kalimutang kumain nan​g tama at matulog nan​g sapat na oras para naman sa holistic skincare beauty.